Sabi nga, History repeats itself because nobody listens. Totoo nga, ilang mga pangyayari sa buhay natin ngayon ang kadalasan ay inuulit lang naman ng mga magulang natin dahil dinanas nila ito. Probably, the reason why my mom always prevented us from attending social gatherings when we were young ay dahil di siya nagkaroon din ng ganoong privilege. Out of fear, siguro panay ang pananakot sa kanya na kapag pumunta ka dun baka ganito mangyari sa iyo – yun din ang mga sinasabi niya sa amin before.
Hindi ba’t karamihan din naman ng tao na may unpleasant memories ng kanilang childhood ay gustong iparanas din sa kanilang mga mahal sa buhay, para nga naman may karamay sila.
Come to think of it, magaling ang ating mga nakatatandang kamag-anak i-mask ang fear at loneliness na nagagawa nilang mukhang concern lang sila sa iyo, yet in the end, ikaw ang nag-suffer of having a lonely childhood.
Di ko alam kung unconsciously lumalabas ito sa kanila pero palagi na lang sa dami ng fears, ang mga bata ang nagdurusa.
Sample ha, “Anak gusto ko dumito ka lang sa tabi ko at mahal na mahal kita, ayaw kitang mawala sa buhay ko.” Isa pang puwedeng maging translation nito, gawin nating medyo traumatic ang dating, “Anak, mahal kita pero baka ikamatay ko kapag nagpunta ka sa Middle East, ang daming taong pinupugutan ng ulo doon.” In short, yung takot ng nanay na payagan ang anak ay nag resulta sa isang lost opportunity dahil siguro nung bata pa ang nanay mo ay di rin siya pinayagang pumunta sa kabilang baryo para makipag rigodon de honor.
Isa pa, “Huwag kayong masyadong magulo at baka maabala natin yung pamilya na katabi natin.” Isa pang translation, “Behave, kung hindi malilintikan kayo sa akin.” Ang ending, di makapag-enjoy ang mga bata una dahil siguro may pinoprotektahang social stature ang magulang o kaya ay ganun din ang ginagawa sa kanila noong mga bata pa sila at may bisita na taga alta de sociedad sina lolo’t lola.
We keep on repeating the same mistakes at ang mas malala, pinapatay natin ang social life ng mga bata, ng mga mahal natin sa buhay – dahil sa dahilang mahal natin sila. Ang weird hano.
Anyway, bandang huli tatanda na lang siguro ang lahat na maraming pinalagpas na opportunity, pinagsisihan ang mga naunsiyaming pangarap at umaalingawngaw sa utak ang mga katagang, “I’m your mother and I know what’s good for you!”